Colaborativa de Familias Unidas de Hoteles SRO
SRO Samahan ng mga Pamilyang Nagkakaisa
​
Kung Sino Kami
Ang SRO Families United Collaborative ay isang multiracial (may iba’t-ibang lahi) , multilingual (may iba’t-ibang wika) na grupo ng limang nagtutulungang organizasyon na nasa komunidad: Chinatown Community Development Center (CCDC), Chinese Progressive Association (CPA), Coalition on Homelessness (COH), Dolores Street Community Services (DSCS), South of Market Community Action Network (SOMCAN). Kami ay matatagpuan sa Chinatown, Mission, Tenderloin at sa South of Market sa San Francisco at may pare-parehong layunin na mag-organisa at bigyan ng kapangyarihan ang mga pamilyang nakatira sa Single Room Occupancy (SRO) hotels, na nag sisikap na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan, mapabuti ang mga kondisyon sa kanilang mga gusaling tinitirahan, tiyaking nakakakuha sila ng mga serbisyo, at makahanap ng desente at abot kayang pabahay.
Ang Aming Ginagawa
Sa pamamagitan ng aming kasalukuyang inisyatiba (initiative), ang SRO Families United Collaborative ay pinabubuti ang buhay ng iba at mas dumadami pa ang aming nagagawa. Pagaralan pa ang tungkol sa aming mga kasalukuyang proyekto at aming mga paraan sa pagsulong ng positibong pagbabago.
Subsidiya sa Upa
Dahil sa adbokasiya at determinasyon, ang mga pamilyang nakatira sa mga SRO ay nakatanggap ng libo-libong dolyar na pondo mula sa Lungsod ng San Francisco para sa malalim, nakatutok na subsidiya sa upa. Noong 2019 at unang bahagi ng 2020, 17 na pamilya ang nakatanggap ng subsidiya at nakahanap ng pribadong uupahan. Para sa 2020 at 2021, higit sa 15 na pamilya ang nakakatanggap ng subsidiya.
Adbokasiya
Sa SRO Families United Collaborative, kami ay nagsisikap na makahanap ng mga bago at mabuting pamamaraan upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mga pamilya sa San Francisco. Ang SRO Families United Collaborative ay nakikipagtulungan sa mga Departamento ng Lungsod at County ng San Francisco at marami pang ibang organisasyon na naka-base sa komunidad upang makamit ang aming misyon na ipaglaban ang karapatan ng mga pamilyang nakatira sa SRO hotels, mapabuti ang kondisyon sa kanilang mga gusaling tinitirahan, tiyaking nakakakuha sila ng mga serbisyo, at makahanap ng desente at abot kayang pabahay.
Mapabuti ang mga Kondisyon sa mga Tinitirahan
Nagtratrabaho kami upang mapabuti ang kondisyon ng pamumuhay ng lahat ng mga nangungupahan, at bahagi ng Code Enforcement Outreach Program (CEOP), sumusuporta kami sa mga nangungupahan, mga may ari, at ang Department of Building Inspection (DBI) upang ang lungsod at komunidad ay sama-samang magtratrabaho upang siguraduhin ang pagsunod ng mga pinauupahang pabahay at magbigay ng mas mabuting kondisyon ng pamumuhay para sa mga SRO na pamilya.
Pagsasanay sa Pamumuno sa mga Grassroots
Ang aming grupo ay nagibibigay ng pagsasanay at edukasyon sa mga SRO na pamilya, binibigyang kapangyarihan upang makapag-advocate/ maitaguyod ang mas mabuting kondisyon ng pamumuhay at abot kayang pabahay. Sa walong linggo, nagtatrabaho kami kasama ang mga pamilya upang palakasin ang kanilang mga kasanayan sa pag adbokasiya sa sarili, matuto tungkol sa mga karapatan sa pabahay at ng mga nangungupahan, at tumulong na malagay sila sa tamang daan ng pakikipagugnayan sa pamamagitan ng pag sasanay sa pampublikong pananalita at maunawaan ang adbokasiya sa komunidad.